Anyo ng Panitikan: Anyong Tuluyan o Prosa

Anyo ng Panitikan: Anyong Tuluyan o Prosa

panitikan
Credits to the owner of this picture.

Hello, readers! For today, I’ll be sharing with you a topic that is related to Panitikan subject. I opted to post it because I know that many students struggle on searching the  accurate content about  this topic. I hope this post could help you. Enjoy reading  and have a great day!

Anyong Tuluyan/ Prosa

Kahulugan: Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan/Prosa:

  1. Alamat – Ito ay mga salaysaying na lihis sa katotohanan. Tinutukoy rito ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
  2. Anekdota – Kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral.
  3. Mitolohiya/Mito – Kwento tungkol sa Diyos at Diyosa, pinagmulan ng sandaigdigan. (Halimbawa: Alamat ng Maria Makiling)
  4. Nobela  o Kathambuhay – Isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing pag-iisip.
  5. Pabula – Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao.
  6. Parabula – Mga kwento na hango sa bibliya.
  7. Maikling Kwento – Maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoy sa nangungunang tauhan.
  8. Balita – paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.
  9. Talambuhay – ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na pangyayari o impormasyon.
  10. Sanaysay – Maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda.
  11. Talumpati – Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado.
  12. Kwentong Bayan – Mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamayan na kapupulutan ng araw.
  13. Dula – Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto.
  14. Editoryal – Ito ay pangulong tudling na naglalaman ng kuro-kuro ng editor.
  15. Liham – Tumutukoy sa saloobin ng manunulat.

One thought on “Anyo ng Panitikan: Anyong Tuluyan o Prosa

Leave a comment